Toulon – 1815
PRISONERS:
Yuko. Yuko. Iwasan ang mata.
Yuko. Yuko. Habambuhay dito ka.
PRISONER #1:
Ang araw, tirik. Piniit sa impiyerno.
PRISONERS:
Yuko. Yuko. Dekada ang lagi mo.
PRISONER #2:
Dinggin, Diyos ko. Inosente po ako
PRISONERS:
Yuko. Yuko. Wala Siyang pake sayo.
PRISONER #3:
Siya’y maghihintay, tapat at totoo.
PRISONERS:
Yuko. Yuko. Nagpaalam na sayo.
PRISONER #4:
Kung ako’y laya…hampas-lupa…ang makikita.
PRISONERS:
Yuko. Yuko. Iwasan ang mata.
PRISONER #5:
Diyos ko. Kailan? Ako’y kunin nawa?
PRISONERS:
Yuko. Yuko. Alipin ka lagi
Yuko. Yuko. Libinga’y katabi
JAVERT:
Dalhin nyo sa akin si 24601.
Laya ka na. Ang parola’y iyong simulan
Ang ibig sabihin…
VALJEAN:
Ako ay laya na?
JAVERT:
Hindi. Ibig sabihin ay panandalian lang.
Nagnakaw ka.
VALJEAN:
Isang tinapay lang.
JAVERT:
Akyat-bahay ka.
VALJEAN:
Bintana’y nabasag lang.
Pamangkin ko’y namamatay.
Kami’y tag-gutom.
JAVERT:
Mamatay kang gutom
Kung di mo pa ginalang ang batas.
VALJEAN:
Alam ko ang maging alipin ng inyong mga batas.
JAVERT:
Limang taon sa pagnakaw mo.
Ang natira ay sa pagtakas mo.
Ganun. 24601.
VALJEAN:
Ako’y si Jean Valjean.
JAVERT:
Ako nama’y si Javert.
Yan ang aking ngalan.
Wag kalimutan, 24601.
PRISONERS:
Yuko. Yuko. Alipin ka lagi.
Yuko. Yuko. Libinga’y katabi.
—
VALJEAN:
Sa akin na. Lumaya na.
Ang hangin ay dumadampi.
Tanaw ang langit.
Ang mundo’y namulat.
Dalisay ang tubig ng batis.
Taong nasayang wag limutin.
O patawarin
Sa mga nagawa.
Silang lahat ang may sala.
Nagsimula
At saksihan
Ang aking kinabukasan.
FARMER:
Umalis ka na
Eto ang bayad ko sayo
Kolektahin mo na ang barya
At lumayas ka
VALJEAN:
Kalahati lang ito
Ng sinabi mo.
Kulang pa ang barya
Sa ipinagod ko!
LABOURER:
Nagkasala ka
Iyan ang alam ng lahat
Bakit pareho ang turing na dapat?
VALJEAN:
Ganito pala ang turing sa mga taong nakakasala.
Yan ang batas.
Itong parolang hawak ko
Na ginawa akong sumpa sa lipunan.
Yan ang batas.
Ang lupit
Aking sinapit.
Hampas-lupa ang lait.