COMBEFERRE:
Enjolras!
Sa Norte Dame, handa na ang lahat
FEUILLY:
Sa Rue de Bac, sila’y di mapakali
COURFEYRAC:
Estudyante at lahat
Iba’t ibang mga pangkat
Nasa panig ng Paris
Sabik nang mapaalis
ENJOLRAS:
At oras na. Malapit na at nasasabik
Pero ingat ka, huwag ka sa alak manabik!
Dahil kalaban niyo’y may dalang panganib
Mga armas na di matapatan
Ang dali lang sana sila sugpuin
Pero ang pulis ang hirap usigin
Isang signos! Ang ating kailangan.
Sa ating paglaban tungong kalayaan!
Marius, huli ka.
JOLY:
Anong problema mo?
‘Sang multo ba nakita mo?
GRANTAIRE:
Lango ka ba’t nakainom?!
MARIUS:
Isang multo
Yan sabi mo
Marahil nga ay isang multo
‘Sang iglap lang, siya’y naglaho
GRANTAIRE:
Kakatawa. Kakabigla.
Marius, umiibig ka na ba?
Ngayon ka lang nagkaganyan!
Ikaw ang dami mong inilayon
Ngayon, ikaw na si Don Ju~an!
Mas mabuti pa sa opera!
ENJOLRAS:
Oras na’t hanapin ang pagkakilanlan
Huwag na kayo magbiro, pagawayan ang opera daw
Naitanong nyo na ba peligro nito?
Nandito ka ba, para lang makipaglaro?
Nagiba na ang takbo
Ng ating mundo
Pula. Dugo ng galit mo.
Itim. Dilim na naglaho
Pula. Pagsikat ng araw.
Itim. Gabing natapos na!
MARIUS:
Kung naroon ka lamang
Malalaman mo na din
Nadamang ligaya nang magsalubong ng tingin
Kung naroon ka lamang
Madadama mo na rin
Ang mundo nabuhay sa kislap-mata
Ang tama na mali, maling naitama
GRANTAIRE:
Pula!
MARIUS:
Umiibig ako!
GRANTAIRE:
Itim!
MARIUS:
Kapag di nagtagpo!
CHORUS:
Pula!
MARIUS:
Ang kulay ng mithi
CHORUS:
Itim!
MARIUS:
Ang kulay ng sawi!
ENJOLRAS:
Marius, batang-isip ka pa talaga
Alam kong hindi mo sadya, ngunit kailangan pa kita
Walang saysay ang lungkot mo?
Tayong lahat mayroong tinatamo.
Mahalaga lahat tayo.
Pula. Dugo ng galit mo.
Itim. Dilim na naglaho
Pula. Pagsikat ng araw.
Itim. Gabing natapos na!
ENJOLRAS:
O Courferyac, nandyan na ba lahat
Feuilly, Combeferre, ang oras ay salat
Grantaire, itigil mo na yan
Nandyan na ba ang mga baril?
GRANTAIRE:
Bigyan ng alak ang bibig
Bubugahan ko ng lamig.
GAVROCHE:
Makinig kayo sa akin
Patay na si Lamarque
ENJOLRAS:
Wala na siya
Lamarque, kamatayan mo ang hudyat.
Minamahal. Hudyat ng paghihimagsik
Sasambahin nila ang kanang pangalan
Ito ang ngalan na papakinggan
Sa burol ni Lamarque, ating sisimulan
Makikita nila ang kaligtasan
At oras na
Katapangan na natin ang pairalin
Dalhin sa lansangan ang ating laban
Sa isang sigaw, makikita nila.
Ang pagkakaisa!
Pingback: The Blog Sitemap | Joshua C. Agar